ANG TUNAY KONG KAIBIGAN
Alam kong hindi maganda ang ugali ko sayo, sana mapatawad sa mga oras ako'y nag susungit, at minsan ay inaaway at napag sasabihan ng mga mali-maling bagay sa iyo. Sana'y maintindihan mo ang masungit at maarte kong ugali, di man ako kasing bait ng gusto mong talagang maging kaibigan, pero aking ipinag papasalamat na kahit ganito ako ay hindi pinagpalit sa ibang kaibigan at ika'y naging tunay na kaibigan.
Ito lagi ang tinatanong ko sa aking sarili bakit ganito ang ugali ko? Gustong gusto komang baguhin to pero mahirap, dahil ito'y akin ng nakasanayan, kaya't sana'y masanay saaking ugali sa iyo, MAHAL KITA ng sobra-sobra at hindi ka pinaplastik at ako'y tunay na kaibigan.
Gusto kong humingi ng kapatawaran sa lahat ng aking kasalanan na nagawa, ito lang ang lagi mong tatandaan Mahal kita higit pa sa isang kaibigan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento